warning : hahahaha.. pawang kalokohan ko lamang yan.. pagkat.. ang aming prof sa Rizal.. ay demanding. :D natripan ko nading ipost.. ^^ hihihihi :D ]
PLUMA: Isang reaksyon
Ang dokumentaryong "Pluma: Si Rizal, ang dakilang manunulat" ay nagpapatunay lamang sa husay at galing ng ating pambansang bayani mula pagkabata hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay. Hindi maikakailang lubos ang pag mamahal niya sa sariling bayan, nais niyang ipaglaban ito mula sa mga mananakop kahit na umabot pa sa puntong maging kapalit man nito ay kanyang buhay. Hanggang sa huli, ang ikabubuti ng bansa parin ang kanyang iniisip. Labis kong hinahangaan ang kanyang paraan ng paglaban para sa ating kalayaan: ang pagsulat.
Dito ay ipinakita ang pag lago ni Dr. Jose Rizal sa kanyang pagiging mahusay na manunulat, mula noon hanggang sa huli. Na siyang rason upang ang mga nang-aapi sa atin ay matakot na sapagkat walang hindi kayang patumabahin ang isang kaalamang nagpapatunay sa bawat kabalbalan ng mga kastila sa mga Pilipino.
Maraming siyang pinagdaananan sa pamilya, pag aaral, at propesyon. Maraming humadlang, maging ang kanyang kalayaan ay hindi pinaligtas. Isa sa mga pinaka dinibdib niyang pangyayari ang tungkol sa pagkaka-kulong ng kanyang ina na si Donya Teodora. Ito ay nakatulong upang umusbong ang pagiging nasyonalismong pilipino ni Rizal. Hindi ko matatagalan ang ganoong sitwasyon kung ako ang nasa kalagayan niya. Baka hindi na ako mag-isip at pumatay nalamang ng sinu mang kastilang makita ko.
Nakakalungkot para saakin na isiping, sa murang edad ni Dr. Rizal ay mga seryosong bagay na ang kanyang inaatupag. Imbis na sarili lamang ang asikasuhin, ay hindi. Malaking aral para sa mga kabataang Pilipino ang ginawa niyang pagiging responsable sa lahat ng aspeto ng kanyang buhay. Hindi katulad sa panahon ngayon na pag-gagala at pag liligalig na ang mas inuuna ng mga kabataan. Taliwas sa mga naging gawi ng ating pambansang bayani.
Malaking impluwensya rin para saakin ang nabanggit na pagsisikap at pagpupursige ni Rizal sa kanyang pag-aaral.Minsan nalang sa mga kabataan na aking nakaksalamuha na binibigyan ng maraming panahon ang pag-aaral. Ngunit si Rizal ay patuloy, at walang patid sa pagkalap ng mga kaalaman. Ito ay dapat na gayanhin ng mga katulad ko, upang sa huli, tagumpay parin ang ating makakamtan.
Nakakatuwa ding isipin na, tinawag siyang kauna-unahang EMO. Tanyag para sa mga kabataang tulad namin ang terminong ito kung kaya naman ay nakadagdag ito upang mas maging intresado ang bagong henerasyon sa naging buhay at nagawa ni Jose Rizal para sa mga Pilipino.
Sa larangan naman ng pagsulat ay tunay akong humahanga sakanya, ang pagnanais ko rin na maging isang mahusay na manunulat ay nabigyan ng pag-asa dahil sa mga kaalamang natuklasan ko sa kanya. Isang mahusay na daan ito upang patunayan na kahit ang manunulat man ay lumisan at mamatay, ang mga ideyang kanyang iniwan na isinulat gamit ang kanyang pluma ay mananatili at magiging inspirasyon sa kanyang maiiwanan.
Hindi makatarungan ang sinapit ng kanyang pamilya sa kamay ng mga Kastila, naisip ko na kung ako ang nasa sitwasyon niya ay malamng hindi ko kakayanin. Mahirap makipag-laban sa mga taong armado..
kahit ang mga pang-aapi, masasamang pamimintas ng mga dayuhan sa mga pilipino ay kanyang ipinagtanggol. isnisulat niya anu man ang naisin niya kaya naman nakaambag ito upang mabigyan ng linaw ang lahat ng itinatagong kabulukan ng mga mananakop.
Mas binibigyan niya ng pansin sa lahat ng kanyang mga sinasabi ay ang pagkatuto at paglayo sa kamangmangan ng mga Pilipino upang maipatanggol ang mga sarili. Hindi siya sumuko kahit na mawalan na siya ng pag-asa lalo na sa pagpapalimbag ng kanyang mga akda. hindi naman siya kumikita sa ibang bansa, tanging ang mga padala ng kanyang kuya Paciano ang siyang inaasahan niya bilang sustento sa kanyang mga pangangailangan. kung kaya naman lubos ang depresyon na kanyang nraramdaman niya lalao na noong hindi tumupad ang nangako sakanaya sa pag tulong upang maipalimbag ang kanyang akda.
Isang malaking hakbang ang kanyang pagsulat upang mapukaw ang kaisipan ng mga mamayang Pilipino noong kanilang panahon. Labis ang kalapastanganang inabot nila kung kaya't hindi rin natin masisisi ang sino man kung umabot ito sa pagdanak ng dugo, at pagbubuwis ng buhay ng maraming Pilipino. Kung hindi, ay wala tayong tinatamasang kalayaan ngayon. Lahat ay konektado, tila isang “chain” na hindi maaring may isang pangyayari ang mawala para makamit ang isang ninanais. Hindi mangyayari, kung hindi rin pinahintulutan ng ating Panginoon. Base sa mga pangyayaring inilahad sa palabas, maging si Dr. Jose Rizal ay alam kung ano ang siyang sasapitin ng bawat isa sa huli.
Katulad natin ay tao lamang si Jose Rizal, ngunit sa kabila noon ay hindi siya naging makasarili makamit lamang ang inaasam na kalayaan para sa lahat ng mamayang Pilipino.
Pag-ibig sa sariling bayan ang nag udyok kay Rizal upang gamitin ang pluma bilang sandata sa pakikipagtunggali sa mga mananakop. At ang kalayaan natin ngayon ang siyang naging bunga nito. Marapat lamang na sa mga darating na mga taon ay hindi natin malimutan ang naging epekto ng kanyang mga ginawa sa buhay ng bawat Pilipinong nabubuhay ngayon.
LINK ng PLUMA :D
--GaiL10
Saturday, February 2, 2013
Echos Ko Sa Rizal.. :D
6:54 AM
No comments
0 comments:
Post a Comment