Thursday, July 26, 2012

So? Pake mo? ='( [POV KO TO]


Hello, and hi…
unang-una ...
Hindi ito love story, fantasy, o kahit ano pa mang storya na sa palagay mo matutuwa ka, kasi kahit ako man hindi natutuwa, o Masaya habang sinusulat ko to. Bahala na si BatGirl.
Hindi ako makata, o propesyonal na manunulat.. mas lalong wala akong editorial column sa dyaryo, na halos kalabanin na ang buong mother earth maipaglaban lang ang opinyon niya.
Well, siguro naman hindi lang sila ang may karapatang mag sabi ng nararamdaman nila o opinion nila para sa mga bagay bagay..
Lalo pa kung ang pag uusapan ay ang sarili ko, sariling mali, sariling kakulangan at kapangitan ko. Hindi ko gets kung bakit ako apektado, pero dahil sa madami na kong natype, papanindigan ko na to.

Kanya kanyang trip sa buhay naman diba? Respeto nalang.
 ---
ako.
Hindi ako simple, I mean,, wala sa bukabularyo ko maging wala lang. lalu na sa pananamit, make up, or whatever.. basta gusto ko, maachieve ko yung gusto ko, matanggap ko yung ako, at Makita kong OK ako sa paningin ko. Akala kasi ng iba nag papaganda o nag aayos ako para sa kung sino lang na pilato.
Like what ive always been saying! Wala akong paki-alam sa sasabihin ng iba, wala naman akong ginagawang masama sa kanila eh.

Ok fine, kung pangit man ako, maliit o pango. HINDI RIN AKO NATUTUWA PAG naiisip ko yan. Syempre, mga kasama ko lagi, matangkad sakin, mas maganda sakin, matangos ilong.. sila na! eh ako? Maputi lang. kung wala naman to, mukha lang akong ewang tinubuan ng mukha. masakit dun, nkakaasar lang mabully dahil sa mga kapintasan kong yan.

Minsan talaga gusto ko na mag mura, ung malutong as in, like chicha. kaso bawal lang talaga, gradweyt na kase ko jan. hindi rin ako makapaniwala, pero oo.. naiiwasan ko ng magmura. Dapat kasi matuto lang akong mag mahal para Masaya.

Pero balik tayo sa physical failures ko. Ou eh, ultra sensitive talaga ako. Minsan napapaisip din talaga ako sa mga sinasabi ng iba sakin, to the point na feeling ko im the worst. THOUGH hindi naman talaga noh! Alam mo yan, alam ko yun!
Bakit ba? Anu bang problema ko?

CONFIDENCE lang naman.
Hahaha, sa tigas ng pagmumukha kong to, hindi pa ko confident ng lagay na to. At ang arte ko noh?
Oo, ganun na nga. Kasi feeling ko, pati tong sinasabi ko eh LAHAT walang Kwenta. Nyenyenye.. Ano bang pinaglalaban ko? Haha

Alam niyo yung pakiramdam na, ALAM Kong hindi ako ang pinaka pangit sa lahat, alam kong mabuting tao naman ako, na kahit papaano may pakinabang ako. Kaso lang….
ALAM KO LANG yun!

Pero hindi ko ramdam.

Lakas ng tama ko noh? Alam kong dapat di ko to iniisip.
Pero ilang beses na kaya namin tong pinagmimeetingan ng sarili ko. Kaso, hirap iexecute ng mga sinasabi ng ~~~ ewan ko ba kung heart o brain yun. Sabi niya lang ACCEPT YOURSELF daw! Tanong ko ‘pano’?
 Highschool palang ako, problema ko na to. Kayo ba? Perfect naba feeling niyo? Congrats. Tama yan.

Pero ang pagkakaintindi ko din naman talaga sa mga nangyayari sakin eh, pinipilit kong iprove ang sarili ko.. gusto kong tanggapin ako ng mga taong nasa paligid ko, na maintindihan nilang ganto ko. Kahit nga nanay ko walang bilib sakin eh.. Pero anak ng galunggong naman diba? PAANO NILA GAGAWIN YUN EH AKO NGA MISMO HINDI KO TANGGAP SARILI KO?

Dos por dos naman ginoo.. hindi rin ako nag iisip eh.
Ano bang sagot sa problema ko? Magpakalunod sa drum na puno ng tubig hanggang sa matauhan ako na importante din pala ako?

Bat ba hindi kasi pumasok sa kukote ko na kahit anong pilit ko, mahirap kalabanin ang sarili ko, kasi kahit anong gawin ko hindi ako mananalo.
Para akong naghamon ng sapakan sa replica ko sa salamin, goodluck naman kung pumalag yun.

ALAM niyo kasi ang hirap sakin? HINDI AKO MAKUNTENTO! Tae ng kalabaw naman oh. Eeeeeiwww….
Pero bat ba hindi ko pagtripang pagbulaybulayan yung mga bagay na kaya ko naman, nakakabasa at nakakasulat, at kung anu-ano pa. yung mga matitinong parte ng katawan kong meron ako? Tulad ng magaganda at dalawa kong mata? Tatakbo ako palayo sa salamin pag nakita kong 10 to! Pati narin yung mga pares ng kamay, paa at tainga ko. Bat ba kasi di ko subukang iappreciate yun?
Kase nakapokus lang ako sa kulang! Sa wala!
Eh , swerte naman talaga ako or should I say, PINAGPALA padin ako kasi may utak ako, na siyang rason kung bakit ko natipa ang mga titik na ito sa kompyuter na gawa lang din naman ng tao! Gamit ang UTAK! Syempre with matching daliri din naman ako habang nag tatype. haha
--
kitams? ang dami ko hinanakit. Kung tutuusin ang babaw ko pa..
kaya dapat~ bago sana ko mangialam sa buhay ng may buhay, try ko kaya munang ayusin tong buhay ko? Ang dami kong satsat tungkol sa mga nangyayari sa pilipinas sa eskwelahan ko, sa kaibigan ko, at sa pamilya ko.. pero di ko nga makuhang remedyuhan muna tong ginigitgit ng puso’t isip ko tungkol sa pagkatao ko..

self esteem booster dude! Malamang, yun ang kailangan ko!
Eto na yun eh!
Parepareho tayong tao! At hindi imposibleng sa bawat isa, may inilaan na ‘malupet’ ang Panginoon saatin!
Nasa nagdadala naman yan eh, kung pano ko titingnan ang mga bagay bagay, kaso kailangan ko lang talaga matutunang mahalin ang sarili ko, para maintindihan ko mga sinasabi ko.
Basta ang alam ko,
Sa ngayon pwedeng hindi ko, mo, niyo, ako trip..
E.. So? pake mo? Eto ako eh. WALA AKONG/KANG/KAYONG CHOICE. Kanyakanyang life.. magmahalan tayo. yun lang yun!


Swerte ko pa nga kasi, may mangilan-ilan pang TUMATANGGAP sakin eh. Nahiya naman ako sa balat ko diba? Sila OO, tas ako HINDI!
Prinitong talong lang talaga!

~
at isa pang punto ko dito, na sana ikaw din~
Ang mahalaga, mayroong nagmamahal sakin ng lubos na tanggap at naaapreciate lahat ng magandang nagagawa ko sa buhay ko, at sa ibang tao. Lalo na para sa kanya..

Kasi alam niyang perpekto niya akong ginawa
para sa sarili niyang purpose para sa Buhay ko at ng iba.

Ang pinanghahawakan ko nalang..
Alam kong mahal na mahal niya ako kahit ano at sino pa ko..
Kaya wala akong dapat ikatakot.

He who looks at me perfectly, and appreciates every small detail about me..

Sino siya?

Si GOD syempre.
 Siya lang.. WALANG IBA!

*Love is all we Need! ∞ kaya naman di ba?


~KramBhieGaiL10ved [ © 2012]